NEVER TOO LATE FOR ANYTHING... :)))

  1. An Elderly Couple Took The Same Photo Every Season. But Nothing Could Prepare Me For The Last One.

    The last photo almost made me cry.. I just have this soft spot for elderly couples. Whenever I see sweet old couples, I always remember my Nanay and Tatay (my Grandparents).Their beautiful love story.

    i think the reason why I am so into this love thing is because of them. Of me wanting to experience the same love they have had for each other.

    This ‘wordless’ story has touched me in a million ways.. We have lost our Tatay last May 16 this year. How I miss him is beyond what ithers can explain. I totally relate to this photo.. As I know how my Nanay felt when my Tatay passed away..

    Tatay, someday I know I will have my own version of a beautiful love story. How I hope you could still see that..

    #Longingness #FirstChristmas #WeWillForeverLoveYou

  2. SLOW DOWN

    Baka kasi di pa sure. Baka ma-stranded. Masiraan ang makina. Masaya man ang aking joyride, as time passes by di rin maiwasang isipin na maghinay hinay. Masyadong na-o-overwhelm sa nararamdaman sa kasalukuyan. 

    Masaya eh. Masarap. Laging ‘It’s a beautiful day!’.

    Pero, may mawawala pa ba?

    Ilang panahong puro safe rides lang ang nasasakyan. Walang nangyayari.

    Go na lang ng go! This time, okay lang di na mag-slow down.

    Basta handa lang sa mga precautions! 

    Ang mahalaga, na-enjoy ang byahe. Walang pinagsisisihan. :)

  3. Don’t search for love. Let love find you.


    *Chos! ^___^

  4. WRONG SIGNAL

    Hindi lahat ng bagay na nasasagap natin kailangan nating i-entertain. Pansinin. Minsan, di natin alam niloloko lang pala tayo ng senses natin. Parang sa cellphone, nakasagap ng wifi, pilit coconnect, sa huli di talaga kaya. Bukod sa napakabagal na connection, wala ka na rin namang mapapakinabangan. Mabubwisit ka lang.

    Anong connect? Wala. Kunwari lang may analogy.

    Mahirap talagang iwanan, iwasan at kalimutan ang mga bagay na nakasanayan mo na. Yung mga bagay na nagdidikta ng pagkabuo ng araw mo. Mga bagay na kumukumpleto sa abakada ng buhay mo.

    Masakit. Mahirap. Hindi masaya ang mawalan ng biglaan. Kahit paulit ulit kang magprepare, ni isang porsyento ng kahandaan di mo magagamit pag dumating na ang pinakanakakatakot na sandali—- ang harapin ang katotohanang nawalan ka. Naiwan. Napagsawaan. Naagawan.

    Minsan dahil sa sobrang hirap at sakit, pilit tayong hahanap at hahanap ng rason at pagkakataon para tangkaing mabawi yung mga bagay na nawala na satin. Pilit nating lolokohin ang sarili natin sa mga nakikita ng mata natin. Magpapa-agos sa mapanlinlang na mga damdaming akala natin eh para pa din sa atin.

    Pero paano kung hindi? Paano kung tayo na lang pala ang tangang naniniwala sa mga yun?

    Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo. Minsan kailangan nating pansinin ang mga bagay na malinaw pa sa sikat ng araw ang liwanag pero binabalewala lang.

    Wag tayong masanay na tumanggap ng mga wrong signals. Masama yun. Walang ibang masasaktan sa huli kundi tayo lang din.

    Sa buhay, walang permanente. May nawawala. Kahit pa yung bagaya na yun ay isa sa pinakamahalaga at pinaka-iniingatan mo —- wala kang magagawa kung gusto na nitong kumawala sa pagmamay-ari mo.

    Mahirap ang may mga bagay tayong nakakasanayan. Pero ganun talaga. Di natin kailangan sisihin ang sarili natin. Wala tayong dapat gawin kundi tanggapin ng maluwag sa puso natin na umabot na sa expiration date ang pinaka-paborito nating bagay.

    "Letting go can be very scary. But it can also be liberating. :)" ~ The Carrie Diaries

    *this goes for my dear friend. Kilala mo kung sino ka. Sorrykung antagonistic magiging dating. Be strong. Life goes on. Yiieee! :))

  5. TAKE TWO

    May trabaho na ulit ako!

    Masaya. Sa sobrang saya, halos mapaiyak pa ako nung sabihin ng interviewer sakin na “Congratulations! You passed the final interview!”. Siguro ang OA ng dating para sa iba. Pero kahit ako, nagulat nung biglang ganun ang naramdaman ko after hearing those words. Di ako aware, ganun na siguro talaga ang kagustuhan kong makapagwork ulit.

    Alam ko, marami rin akong sinayang na opportunity nitong mga nakaraan. Nag-AWOL sa dating trabaho, nag-apply sa ganto, nag-apply sa ganyan then pag pinagrereport for work na, biglang magbaback out. I took advantage of everything. At for the past 5 months, I did nothing. Tambay ganda ang peg.

    Until I realized that I am clearly heading off to nowhere. Besides, I am feeling worthless more than ever. Masyado akong nalulong sa soul-searching ko. Not that it’s bad, pero I unknowingly justified my irresponsible attitude by this.

    Sabi nga, If you want to move the world, start moving. Eh yung sakin, bed sore na halos inaabot ko. Shet! How i’ve become such a disppointment, I don’t know.

    So there, by the mid of November nag-start ma ulit akong mag-job hunting. Guess what? I just had a first hand experience and I think I have the ultimate right to say na “ang hirap maghanap ng trabaho ngayon!” Pati sa BPO na inaakala kong petiks lang —— kasi ganun ang nangyari sakin before with my previous employment—— Naku! Muntik ko ng isiping nauubis na ang mga BPO sa bansa! Haha.

    Kaya, you can’t blame me kung OA man ang peg ko kanina. I have to make it right, this time. I don’t want this blessing to become a curse.

    Goal setting. Moving forwartd. :)))

  6. Pwede bang magsaksak ng USB sa utak? Para dun ko na lang mai-save lahat ng gusto kong sabihin. It’s not possible, though.

    Next time na lang. :)

    Kumusta everyone? :))

  7. A psychopath is better than no path at all.
    She was beautiful, but in the way a forest fire is beautiful.
    I will destroy you in the most beautiful way possible and then you will understand, why storms are named after people.

    (via grudge)

    OOOOOW.

    (Source: unstrong, via mylovewillneverfailyou)

  8. BAD DAY

    Inhale. Exhale. Smile. Collect positive thoughts.

  9. Sa pag-ibig, may mga naghihintay at may mga naghahanap. Sa isang oras mong paghihintay sa taong mamahalin mo, isang oras din ng pagkakataong maghanap ang nasasayang mo. Ang pag-ibig, hindi mo alam kung kung kusang darating o talagang dapat hanapin.
    Para Sa Hopeless Romantic, Marcelo Santos III

    Hanap hanap din! :)))

  10. "TIPS KUNG PAANO MAG-Move On"

    super-jayzner:

    1. Huwag ka magpapalit ng number. Dapat deadma kana lang
    kahit tumawag at magtext siya. Kasi magpapalit ka nga, tapos bukas itetext mo din sya. Sayang sim.

    2. Burahin lahat ng picture niyo sa celphone at laptop mo, Taena, move on nga bakit siya pa din wallpaper screensaver mo.

    3. Kapag…

    HAHAHA! Kahit di maka-relate. IMBA! :))